Ang paborito kong libro

Dahan-dahan.May pag-iingat, may pag-aaruga mong

ibinigkis ang ‘yong mga braso—kagaya ng sikat ng araw na malumanay;

mainit ngunit ‘di nakapapaso.

Malamig ngunit ‘di nakagiginaw.

Kasabay ang mahinang pagsasayaw ng hangin ay

ang tinig mong malambing na kalianma’y di magsasawang marinig.

Isang kumot na kahit pa’y maliit gugustuhing mamaluktot.

Unti-unti rin namang mawawala,

na parang bula—na nakapagpapasaya kahit saglit pa;

Kahit sa ‘sang kisapmata’y ‘di na mababalikan pa.

Parang isang daluyong malayo pa lamang

nararamdaman ko na.

Parang isang ngiti mula sa taong ‘di mo kilala

at ‘di mo akalaing kailangan mo.

Parang isang libro na walang kapantay, wala nang hihigit pa:

Binasa’t inunawa;

Hindi ko na muling mauulit pa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s