03/22/2016

Dapat bang hayaan ang nag-aalab na damdamin
Na animo’y pugon na punong-puno ng nagbabagang uling
Sa pagliyab ay di paaawat, di pasusupil sa daluyong handang humabalos;
May paghahanda man o wala. Maagapan ba ang pag-agos
ng mga luhang ngayon pa lamang makakikita ng liwanag?
Unti-unting nagbabalikwas, nagpupumiglas ang mga pintig
Na para bang di padadaig–
Mga pusong pagód na sa pananahimik:
Siguro nga’y panahon na upang hayaan ang nag-aalab na mga damdamin
Na mala-disyerto ang angking init;
Kailanma’y di mapapawi ng kahit ano pa mang tubig.

in conjunction with #WorldPoetryDay albeit late.

JKPN2016

Ni Minsan

Sabay sa pagpihit ng hangin
ay ang pagtangis mo ng lihim;
lingid sa karamihan, ika’y nalulumbay
sa mga sandaling ‘di mawaglit, ‘di nila kayang ibigay.
Hindi mo lang alam.
Kung alam mo lang. Ika’y di maalis sa’king isip–ni minsan
‘di napagod, kahit na nakikita kita.
Nakikita kitang tumatangis kaiisip sa kanya.
Na kahit pa alam nating dalawa na wala kang halaga sa kanya.
Na kahit pa madalas sa minsan, hindi ka niya naaalala.
Na kahit pa nasasaktan ka na, pinipilit mo pa rin maging masaya.
Tanungin mo ako, ang sagot ko’y ito:
“Hayaan mong abutin ko ang kamay mo,
sana. Sana. Ito’y pakinggan mo;
dahil ni minsan pa’y di mapapagod sa pagsinta sa’yo.”
JKPN 2016

Nang minsan hindi ko pumiling umibig

Pinilit kong kumalawa
sa mga mararahas mong pananalita,
mga labing nagtatanong sa mga matang na katulala;
ako pa ba ay ‘yong magagawa–
magagawang tanggapin ng buo’t may pagsinta?
Hindi man kita lubos na kilala,
walang araw na ika’y nawaglit at nawala,
walang panahon at oras ika’y inalala;
pagka’t di man ito halata,
sa buhay ko’y ika’y mahalaga.
Nanalig ako at naniniwala,
darating ang araw–sana. Sana.
Wag ka sanang mangamba,
marahas man ang iyong mga salita
ay di na makasusugat pa.
Hindi na muling luluha pa.

 

 

JKPN 2016

Nine twenty-two

Like droplets of rain
that fall slowly onto the earth:
as I wait, I dream of us together.
Know that I love you
only because
I know this with great certainty.

And even if you shall
say otherwise, I will heed;
take my breath if you must.
take the bread if you must.
But never, I beg of you,
your music that resounds my heart.

I write this letter of hope —
of anxiety — sent to wherever you are.
I will weep as little by little
I will stop myself from loving you.
I do not know how to say it–
my tongue is broken.

But I love you:
like a music box
with a ballerina that only
dances to the tune
she’ll ever hear.
Until then…
my heart aches.

Maraming Pagpapalit Araw

Maraming Pagpapalit Araw

“We’re on the road,
We move from place to place,
And often times when I about to call it home,
We’d have to move along;
Life is a constant change…”
Mga lirikong galing sa kanta ni Jose Mari Chan na Constant Change. Palasak man na maituturing, ngunit ito na nga siguro ang pinaka-akmang kanta kung sakaling may magtanong sa akin ng, “kung saka-sakali, anong kanta ang bagay para sa buhay mo?” Bagaman lahat naman tayo ay nagbabago; at dahil nga ang nag-iisang bagay na hindi nagbabago ay ang pagbabago, siguro ay maaari ko namang sabihin na may mga naging pagbabago sa aking buhay. O sa madaling salita, may nagbago na nga sa akin simula sa aking pagkabata.
Madungis. Makalat. Iyakin. Kilos lalaki kung gumalaw. Madaldal. Malikot. Masungit. Maldita. Maingay. Ilan lang ‘yan sa mga katangian ko noong bata pa ako. Ay, bata pa rin naman ako. Ang ibig sabihin ko ay nung nasa elementarya pa ako. Maiintindihan naman siguro kung bakit ako ganun ‘di ba? Pero ang pinaka-malaking bagay kung bakit ako ganun dati ay dahil sadyang isa akong liberadong bata. Oo, masasabi kong ganoon nga ako, kahit bata pa lang ako. Sa ingles I’m a liberated and an extrovert person. At sa totoo lang, ako’y aamin na nahihirapan dahil alam kong mas maipaliliwanag ko lahat ng ‘to sa wikang Ingles. Isa sa mga malalaking pagbabago sa akin.
Isa sa hindi ko makalilimutan dati ay nang tawagin ako ng aming punong-guro na kumare. Alam kong nag-iisip ka kung bakit kumare. Ano nga bang mayroon kapag mag-kumare? Tama. Dahil sa sobrang kadaldalan ko; yung tipong kahit nag-eeksamen ay nagdadaldal pa rin ako. Hindi talaga maawat kadaldalan ko noon. Halata pa rin naman ba? Marami ang nagsasabing hanggang ngayo’y bakas pa rin ang pagiging madaldal ko. “I just have many things to say,” ang lagi kong depensa. Ang nakakatawa, pag ako’y nanahimik, tila lahat ay apektado. Nagtatanong kung may sakit ba ako o kaya’y ayos lang ba ang pakiramdam ko. Siguro nga’t malaking epekto sa mga taong nasa paligid ko ang aking pagdaldal. Pero hindi tulad ng dati, tila ngayo’y kaya ko ng manahimik. Lalo na’t kung hinihingi ng pagkakataon.
Katulad rin ng nasambit ko kanina, ang wikang Ingles ay may malaking impluwensya sa mga pagbabago sa akin. Nakakahiya mang aminin, pero simula bata ako, mas laging mataas ang mga markang nakukuha ko sa asignaturang Ingles kaysa sa Filipino. Nakakahiya sa kadahilanang ako’y daang porsiyentong Pilipino. Bagaman pinipilit kong hasain pa ang aking pagka-Pilipino tungo sa wikang Filipino, sadyang mas napamahal ako sa wikang Ingles. Mahal ko ang Filipino, sana’y di mo mainterpreta ng mali. Pero katulad na nga rin ng aking nasambit kanina, nahihirapan talaga ako pag Filipino. O siguro, mas napalapit lang ako sa wikang Ingles kaysa sa Filipino. O kaya’y, pwede bang akusahan ang mga eskwelahan ko ng elementarya’t hayskul dahil sa mga alintuntunin nilang Speak English at all times? Sa buong katotohanan, mas marami pa rin akong gawang tula at iba pang literatura sa wikang Ingles kaysa sa Filipino. Ramdam ko, napipinto rin ang araw na mahahasa ako ng tuluyan, lalo na’t sa pakikipagtalastasan, sa wikang Filipino. Bagaman ngayon, I’d still prefer to talk in English.
Pangarap—isa akong taong maraming ganoon. Mga aspirasyon, mga bagay na gusto kong maabot. Isang mekanismo ko ang pangangarap upang maging ako kung ano man ang gusto ko maging. Ipinagmamalaki ko na kung ano ang pinangarap ko noong elementarya ako, ay unti-unti ko ng inaabot ngayon. Bagaman noong hayskul, dumaan din ako sa pagbabago ng mga hilig at prayoridad, sa huli’y kinukuha ko na ang laging kong sambit na, “I want to be a doctor someday.” Nakakatwang isipin, nung nag-aaplay ako sa mga unibersidad, ang lagi kong sinusulat sa first choice ay kung ‘di AB Asian Languages and Literature, ay BS Physics at BS Psychology. Laging pang-huli lamang ang BS Biology o kung ano mang tungkol sa pagduduktor. O kaya naman ay BS Civil Engineering. Prayoridad, kagaya nga ng sinabi ko, mas praktikal kung maging employer ako kaysa maging empleyado. Sabi ng aking nanay, kung hilig ko raw talagang magsulat, maaari ko naman daw gawing sideline ito kung duktor na ako. Higit pa’t hawak ko ang sarili kong oras kung saka-sakali. Sana nga.
Hindi ako ganun kasaya sa kung ano man ako ngayon. Not that I have regrets, pero alam ko, at pati na rin ng mga taong malapit sa akin, na may mas maibibigay pa ako. Dahil sa totoo lang, may mga ilang bagay pa rin sa aking sarili na tila’y tubig na maputik: maraming tanong, kulang na mga kasagutan. Mga bagay na kung minsan malaki ang epekto sa akin. Hindi sa pagmamayabang, pero kung magseseryoso, alam kong kaya kong maging iskolar. I just don’t have that drive to do so.
Ekspektasyon. Mabigat na pagtulak ng pwersa. Hindi ko mahanap ang sinasabi nating halaga ng buhay. Minsan, dahil sa sobrang pagod, gusto ko na lang isipin na sadyang lagi lang ako nag-iisip. Overthinking. Sana nga’y ganun lang. Nakakahiya ngang kung kailan nasa kolehiyo na ako’t saka pa ako lumala ng ganito. Hindi naman kasing lala ng mga nagbubulakbol. Kaya nga lang, laging may what ifs at If onlys ako pagkatapos ng pagpalit araw.
Makata man kung iisipin, pero dahil pinili ko ‘to, dapat lang na ako’y manindigan sa aking mga desisyon. Isa pa sa mga magandang pagbabago sa sarili ko, sana.
Totoo nga’t marami pang pagpalit araw na pagdadaanan,
Isang pag-ikot:
dama ko ang iyong pangamba.
“Huwag kang matakot,” ani niya.
Kalauna’y parang kahapon lang ang lahat.
Paglipas pa ng pitong pagpalit araw,
‘di ba’t parang kailang lamang?
At isang taon pa,
Tiyak kong limot mo na – tapos na.

Maliit may nakakpuwing,
Batid natin ‘di ba’t mapipisat din?
-Julienne Navarra, HULI: Paglaon (mula sa Trilohiyang Pangtamad)

11:11

in which the words that I desperately want to utter has choked and has left me gasping for air; I breathe but only to be drowned over and over again. Amdist forced letters and spaces, I still find the solace albeit ephemeral, stolen and candid like a bandit in the wee hours of the night. In the supposition of paying it forward, here’s something to some man who was once–hopes still is–an inspiration. Thank you and happy birthday.

 

tl;dr: a poem written on the notion of “being in love”, unrequitted love that is. Title read as eleven-eleven P.M. Would love to hear what you guys think and so do chirp in the comments section 🙂

———-

 

Words will always be just that:

w o r d s

that will never be enough

those three words…

One day, someday

I’ll be over you;

but tonight til

morning

let me love you.

Let me cry in your arms

for I find

peace, just like how

I

found

You.

 

Soon enough

 

I’m grateful through

the day my eyes close,

through the day

the words still cut

but do not bleed.

Not anymore.

 

Indak ng mga nota ng panahong nawaglit ka sa aking piling.

kasi ako’y naging biktima ng pagkakataon: isang pangungutya ng pagkakataon. ako’y patawarin, ito’y dinggin.

 

sa hangin na dumuduyan

sa bawat ugoy

ng mga salitang

p a r i t o ‘ t – p a r o o n

na umukit sa mga bituin

sa langit; iaalay ko’ng lahat

makita ko lamang

ang ngiti

na umiindak

sa’yong matatam-is

na mga labi: bukas,

bukas nang muli

ang mga brasong

sabik na sabik

sa init ng ‘yong pag-ibig.

 

minsan pa’y

ibabaling ang tingin…

 

 

@JN2014

#wyf

#Hashtag #PetPeeve

This is totally something uncalled for. I tried to blink away the fogginess my head stirs in. And maybe. Just maybe, this would appear utterly nonsense. Actually, it might make no sense at all. But I hope you find yourself nodding as take the whole point in this. A little something after aeons of not writing (at least, well, in a poetic sense). And may you find yourself cracking a smile or two as you finish this. lol

 

 

—–

 

I yearn to write right beside you.

But the right to right the wrongs I’ve done

has been taken away from me.

Just as you were; where I’ll never find you. Or you me.

Albeit, you’re your own person, and thus

I pray fervently it’s still us in the end.

And the sun shone its shine, bathing us in its warmth.

Let’s not ask who are we to share with in the future,

nor whom we’ve shared with in the past.

For which I’ll lay bare: even my darkest secret.

And perhaps, forget all the rest and just lie down.

Ironically, as it seems, we move farther

a w a y

from each other…

And yet, you remained buried, further down my heart.

And in spite of everything that I’ve said,

Life is what we make it.

I Gave You

and you’re always in my mind;

the window to your world gives a glimpse

that I selfishly want for me.

I believe you helped me—thus,

I give you my heart. my soul.

and the blood rushes to my cheeks:

the picture of you in your white

wedding dress, etched.

I just want that feeling,

just once more.

Tell me what to do.

I’ll be your man and we’ll fly high.

And even when you’re feeling

blue,

know that my wishes have come true.

 

©JN2013

May soliloquy si Sisa?

may mga bagay na pilit nating itinatago sa ating kaibuturan

upang matakpan ang higit pang punong salop.

 

at mas kadalasan sa minsan, higit pa sa kaya nitong hawakan

kaya’t sa huli’y para itong tubig na pilit iginagapos ng mga subok nang daliri.

 

paano nga naman mababatid ng isipang puno ng galit?

at kung hindi man, ay napunlaan ng liso ng hinananakit.

 

bagay na bagaman ay pinasisinungalingan ng

tandang-tandang mga matang naka-bukas—nananatiling tikom ang kanyang bibig.

 

isang hinagpis ng pagsabog ang kanyang ipinagdiriwang

upang makalimot sa mga panahong kanyang pinagdaan.

 

bagkus pa’y di mawari ang kangandahang kanyang nasisilayan,

kailan pa bang makakamtang muli ang kaligayahan?

 

©JN2013