03/22/2016

Dapat bang hayaan ang nag-aalab na damdamin
Na animo’y pugon na punong-puno ng nagbabagang uling
Sa pagliyab ay di paaawat, di pasusupil sa daluyong handang humabalos;
May paghahanda man o wala. Maagapan ba ang pag-agos
ng mga luhang ngayon pa lamang makakikita ng liwanag?
Unti-unting nagbabalikwas, nagpupumiglas ang mga pintig
Na para bang di padadaig–
Mga pusong pagód na sa pananahimik:
Siguro nga’y panahon na upang hayaan ang nag-aalab na mga damdamin
Na mala-disyerto ang angking init;
Kailanma’y di mapapawi ng kahit ano pa mang tubig.

in conjunction with #WorldPoetryDay albeit late.

JKPN2016

Ni Minsan

Sabay sa pagpihit ng hangin
ay ang pagtangis mo ng lihim;
lingid sa karamihan, ika’y nalulumbay
sa mga sandaling ‘di mawaglit, ‘di nila kayang ibigay.
Hindi mo lang alam.
Kung alam mo lang. Ika’y di maalis sa’king isip–ni minsan
‘di napagod, kahit na nakikita kita.
Nakikita kitang tumatangis kaiisip sa kanya.
Na kahit pa alam nating dalawa na wala kang halaga sa kanya.
Na kahit pa madalas sa minsan, hindi ka niya naaalala.
Na kahit pa nasasaktan ka na, pinipilit mo pa rin maging masaya.
Tanungin mo ako, ang sagot ko’y ito:
“Hayaan mong abutin ko ang kamay mo,
sana. Sana. Ito’y pakinggan mo;
dahil ni minsan pa’y di mapapagod sa pagsinta sa’yo.”
JKPN 2016

Nang minsan hindi ko pumiling umibig

Pinilit kong kumalawa
sa mga mararahas mong pananalita,
mga labing nagtatanong sa mga matang na katulala;
ako pa ba ay ‘yong magagawa–
magagawang tanggapin ng buo’t may pagsinta?
Hindi man kita lubos na kilala,
walang araw na ika’y nawaglit at nawala,
walang panahon at oras ika’y inalala;
pagka’t di man ito halata,
sa buhay ko’y ika’y mahalaga.
Nanalig ako at naniniwala,
darating ang araw–sana. Sana.
Wag ka sanang mangamba,
marahas man ang iyong mga salita
ay di na makasusugat pa.
Hindi na muling luluha pa.

 

 

JKPN 2016

Indak ng mga nota ng panahong nawaglit ka sa aking piling.

kasi ako’y naging biktima ng pagkakataon: isang pangungutya ng pagkakataon. ako’y patawarin, ito’y dinggin.

 

sa hangin na dumuduyan

sa bawat ugoy

ng mga salitang

p a r i t o ‘ t – p a r o o n

na umukit sa mga bituin

sa langit; iaalay ko’ng lahat

makita ko lamang

ang ngiti

na umiindak

sa’yong matatam-is

na mga labi: bukas,

bukas nang muli

ang mga brasong

sabik na sabik

sa init ng ‘yong pag-ibig.

 

minsan pa’y

ibabaling ang tingin…

 

 

@JN2014

#wyf

May soliloquy si Sisa?

may mga bagay na pilit nating itinatago sa ating kaibuturan

upang matakpan ang higit pang punong salop.

 

at mas kadalasan sa minsan, higit pa sa kaya nitong hawakan

kaya’t sa huli’y para itong tubig na pilit iginagapos ng mga subok nang daliri.

 

paano nga naman mababatid ng isipang puno ng galit?

at kung hindi man, ay napunlaan ng liso ng hinananakit.

 

bagay na bagaman ay pinasisinungalingan ng

tandang-tandang mga matang naka-bukas—nananatiling tikom ang kanyang bibig.

 

isang hinagpis ng pagsabog ang kanyang ipinagdiriwang

upang makalimot sa mga panahong kanyang pinagdaan.

 

bagkus pa’y di mawari ang kangandahang kanyang nasisilayan,

kailan pa bang makakamtang muli ang kaligayahan?

 

©JN2013

Part Tri: Kahel ang Araw

Isang panaginip na hindi natutulog,

mga sandaling mintis sa’yo ang dulog.

Sa pagpihit ng hangin at

hampas ng alon,

isang himig ang aking pabaon

ang pangarap—ko ay. ang.

makapiling ka.

Maraming panahon ang ginugol:

tagaktak ng pawis,

sapilitang pagdilat ng mata,

pag-inda ng panunuya, at;

paglaban sa pag-iisa.

Binawi at binaliwala ang lahat

ng makita kang masaya.

Hindi maituturing na

                katapusan,

sapagkat ito’y isang

                kinabukasan.

Matuto ring lumipad;

Ang pag-aantay ay sapat.

 

 

–Mga Konsepto ng Pag-Ibig ni Aling Bebang, isang trilohiya

“기다릴게, hermit.”

Part Tu: Bughaw ang Tubig

Kathang isip, o aking iniibig,

batid kong malayo kahit pa

sa panaginip.

Maikling katanungan, bukas pa

malalaman ang daan;

‘di makatulog ng mahimbing—

patungo saan?

Nangungusap na talukap:

takpan ang hiwagang bumalot

sa katawan;

ihahatid ng mga pakpak,

sa pampang na may galak.

Minsan pa’y sabik sa’yong haplos,

Mistulang Hangin:

pinagkamalang daplos.

Ngunit sapat na nga ba ang lahat,

o ang abono’t binhi ay salat?

 

 

–Mga Konsepto ng Pag-Ibig ni Aling Bebang, isang trilohiya

Part Wan: Puti ang Langit

sa ilalim ng taimtim na dasal,

bihag ng mga sandaling nakuha

sa mga titig mo;

sa ugong ng tugtog—liwaliw sa

galaw ng iyong katawan.

Ilang ulit na beses kong

pinagdaanan: sa huli’y hantong

sa kabilugan ng buwan.

Isang bahaghari na tila’y ‘di

maabot,

o kaya’y isang ibong matayog

ang paglipad.

Pagmamahal na nadarama:

tunay nga bang talaga?

O isang magandang panaginip

lang ang lahat…

–Mga Konsepto ng Pag-Ibig ni Aling Bebang, isang trilohiya

—–

©JNavarra2012

HULI: Paglaon.

Isang pag-ikot:

           dama ko ang iyong pangamba.

“Huwag kang matakot,” ani niya.

Kalauna’y parang kahapon lang ang lahat.

Paglipas pa ng pitong pagpalit araw,

           ‘di ba’t parang kailang lamang?

At isang taon pa,

Tiyak kong limot mo na – tapos na.

Maliit may nakakpuwing,

Batid natin ‘di ba’t mapipisat din?

(Mula sa: Trilohiyang Pangtamad)

—-

©JNavarra2012

IKALAWA: Pagmasdan.

Halina’t magsayaw sa saliw ng ating inang bayan;

Kinakailangan ng kaukulang parusan ang sinuman.

Matatas!

Malinaw pa sa sikat ng buwan,

           sa itim na gab-i.

pinapahalagahan mo ba ang aking sarili?

Muli-muli’y mahuhulog din – ika’y

           dapat saluhin.

 

Isang bilugang buwan:

hinuhugasan sa ilalim ng init ng katawan.

 

(Mula sa: Trilohiyang Pangtamad)

—-

©JNavarra2012